Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government unit (LGU) na maghanap ng mabisa at sistematikong paraan para matukoy kung sino sa kanilang mamamayan ang hindi pa naturukan ng COVID-19 vaccine.
Sa kaniyang “talk to the nation” nitong Lunes ng gabi sinabi ng pangulo na dapat gawin lahat ng mga LGU ang kanilang makakaya para mabakunahan ang kanilang mamamayan.
Ipinagmalaki pa nito noong siya ang alkalde sa Davao ay may paraan itong ipinatupad upang sumunod ang mga tao sa kaniya.
Depende lamang aniya sa pakikitungo ng alkalde sa kaniyang mamamayan lalo na at may ibang mga ibang barangay officials ang hindi niya kaalyado.
Binalaan din ng pangulo ang mga hindi susunod sa mga protocols na itinakda ng LGU na mahaharap ang mga ito sa kaso.