-- Advertisements --

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government unit (LGUs) na magpatupad nang paghihigpit sa mga kabataan na hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

dutertes

Sa kaniyang “talk to the people” nitong gabi ng Lunes, sinabi ng pangulo na dapat hindi na dalhin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa malls at ibang pampublikong lugar.

Hindi aniya maikaila na maraming mga magulang ang nasasabik na maipasyal ang kanilang mga anak sa labas subalit ito ay mapanganib dahil sa walang depensa ang mga ito.

Nanawagan ito sa mga LGU na kung maari ay magpasa sila ng mga ordinansa para sa mga age restrictions sa mga minors na papayagang magtungo sa mga malls.

Magugunitang nauna ng sinabi ng Department of Health na isang isolated case lamang ang kaso ng isang dalawang taong gulang na bata na dinapuan ng COVID-19 matapos umanong ipasyal ito ng mga magulang sa mall.