-- Advertisements --

BACOLOD CITY-Muli na namang binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pari na tumutuligsa sa kanyang administrasyon.

Sa mensahe nito sa campaign sortie ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa coliseum ng Victorias City, Negros Occidental kagabi, pinayuhan nito ang mga pari na tumutuligsa sa kanya at kanyang administrasyon na huwag gamiton ang pulpit sa paggawa nito.

Sinabi ng pangulo na bukas naman siya sa kritisismo mula sa lahat kasama na ang mga pari basta na huwag lang aniyang gamitin ang pulpito dahil nakakasira ito ng institusyon.

Napag-alaman na matagal ng nagpapalitan ng kritisismo ang pangulo at ang simbahan sa ibat-ibang isyu kasama na ang mga sinasabing pang-aabuso sexual ng mga pari.

Kasabay nito ay binigay na halimbawa ni Duterte ang isinigawa kamakailan na Vatican summit na pinangunahan ni Pope Francis kung saan naungkat pa ang mga nangyayaring sexual abuse sa Simbahang Katoliko.