Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mamamayan na hintayin na lamang ang ayuda mula sa gobyerno at huwag ng makipagsiksikan sa mga dumaraming community pantry.
Sa kaniyang address to the nation, na maaring ang mga barangay health workers na lamang ang magtutungo sa mga bahay para ibigay ang ayuda at maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Dagdag pa ng pangulo na hindi talaga maiwasan ng mga taong nagtutungo sa mga community pantries na malabag ang health protocols dahil sila ay nagsisiksikan.
“Ngayong, kayong mga wala talagang makain… maghintay lang kayo and try to communicate with your barangay captain. Ako, nagsabi ako, magbalot kayo ng pagkain, ibibigay ninyo ‘yan sa mga tao. Sikreto,” wika ng pangulo
Sinabihan pa nito ang mga barangay opisyal na magbalot ng mga pagkain na ipapamahagi sa mga talagang hirap sa pamumuhay.
Hindi rin maiwasan ng pangulo na punahin ang mga community pantries dahil sa pagkakaroon ng siksikan ng mga tao na dumarayo ay ito pa ang nagsisimula ng hawaan ng COVID-19.