Muling hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar na magsabi lang kung ayaw na sa kanya at agad siyang bababa sa pwesto.
Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi na kailangan ang kudeta ng mga sundalo at pulis dahil nakahanda naman siyang magbitiw.
Ayon kay Pangulong Duterte, kung sama-samang tatayo ang Army, Navy, Air Force kasama na ang PNP laban sa kanya, kusa na siyang aalis sa pwesto dahil ayaw niyang maglalaban ang mga tropa ng pamahalaan.
Inihayag ni Pangulong Duterte na kung na sa kanya, uuwi na siya at si Vice President Leni Robredo na ang magiging presidente.
“Sabi ko, kung mag-tindig kayo sa Army, Navy, Air Force, pati si Albayalde, if you stand up together now, I am resigning. Huwag na kayong mag-coup d’etat-coup d’etat. Sayangin lang ninyo yung pagod ninyo. Ayaw ninyo ako? Sabihin ninyo bababa ako,” ani Pangulong Duterte.