-- Advertisements --

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kandidatong tatanggi na isuko ang hawak nilang mga high-powered firearms.

Sa kanyang talumpati sa huling campaign sortie ng PDP-Laban sa lungsod ng Pasig, sinabihan ng Pangulong Duterte ang militar at pulisya na barilin at patayin ang nasabing mga kandidato.

“Kapag may firearm ka na M16, M14, kapag sinabi ka ng pulis pati ng military, ibaba mo ‘yan, i-surrender mo. ‘Pag hindi mo sinunod ‘yan, sinasabi ko sa pulis pati sa military, patayin mo. Patayin mo. Kasi lumalaban eh. That’s defiance,” wika ng Pangulong Duterte.

“How can you arrest a person who does not want to surrender? Eh ‘di patayin mo,” dagdag nito.

Una rito, ilang araw bago ang halalan sa Mayo 13, nakuhaan ng granada, matataas na kalibre ng baril at mga bala ang dalawang kandidato sa pagkaalkalde sa Caraga region.

Isa rito si San Francisco, Surigao del Norte Mayor Guia Plaza-Sabanal, na muling tumatakbo sa ilalim ng PDP-Laban, na partido ng presidente.