-- Advertisements --

DAVAO CITY – Hihintayin na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng isasagawang imbestigasyon laban kay PNP chief P/Gen. Oscar Albayalde na isinangkot sa sinasabing mga “Ninja cops” na nagre-recycle umano ng mga nakumpiskang illegal na droga.

Sa kanyang arrival speech sa F. Bangoy International Airport mula sa kanyang limang araw na official visit sa Russia, sinabi ni Duterte na hangga’t hindi pa napapatunayan sa kanyang pagkakasala ni Albayalde ay hindi mawawala ang kanyang tiwala sa opisyal.

Bilang isang abogado, kailangan umano niya ng mga ebidensiya na makapagpapatunay na kay kaugnayan si Albayalde sa nasabing akusasyon.

“Secretary Año will study the matter very carefully…. Give me clear proof he was there on the take or was in the trafficking of drugs. But just because he was [police director], tapos may tinawagan siya…I could not just do it in a knee-jerk [manner],” wika ni Duterte.

“I have to follow procedural due process and allow him time to answer, the right to be heard. It’s given to the criminals, to the kidnappers. It should be given to a general of the Philippine National Police because under the laws we’re all equal,” dagdag nito.

Nang matanong naman ang Pangulo kung sino ang kanyang ikinokonsiderang kahalili ni Albayalde, sinabi nito na kailangan pa raw nitong suriin ang mga posibleng kandidato.

“Maya-maya madapa na naman tapos ako ang magkaroon ng problema,” ani Duterte.

Bago ito, sa isinagawang Senate hearing ay nanawagan si Sen. Richard Gordon na mas mabuti umanong umalis na lamang sa kanyang puwesto si Albayalde.