-- Advertisements --

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga graduating cadets ng Philippine Military Academy (PMA) ngayong taon na maging handang mamatay para sa bansa kung kinakailangan.

Pahayag ito ng 74-anyos na pangulo sa graduation rites ng mga miyembro ng MABALASIK (Mandirigma ng Bayan Lakas at Sarili Iaalay para sa Kapayapaan) Class 2019 ngayong araw sa Baguio City.

“Serve your country well. Die for your country if needs be. Remember the young Filipinos yet to come. If you think the country is not run the way it is, and if it will destroy your country, you should know what to do,” ani Duterte.

Nabatid na umulan pa sa gitna ng maiksing talumpati ni Pangulong Duterte.

Duterte on rainy PMA 2019

“I urge you always, embody courage and loyalty as you pursue your noble careers in the military. Let these values be your beacon until your stop are sung and your perpetual memory would be to see your country truly free,” dagdag nito.

Samantala sa pagtatapos ng talumpati, pumirma ang pangulo ng dokumento hinggil sa pagpardon sa lahat ng mga outstanding punishments para sa PMA underclassmen.

“I’ll pass you this time because I need good and capable soldiers. And I know one or two is bound to happen. Pero patawarin ko kayo,” pagbibiro nito.

Si Cadet 1st Class Dionne Mea Apolog Umalla ng Ilocos Sur ang topnotcher sa PMA MABALASIK Class.

Una rito, dalawang oras umanong na-late si uterte na guest of honor sa event na nakatakda sanang magsimula alas-9:00 ng umaga pero halos alas-11:00 na dumating ang presidential motorcade.

Duterte PMA 2019

Naging agaw-pansin ang pagiging magkatabi ni Duterte at ni Vice President Leni Robredo sa stage.

Ito kasi ang unang beses na nagkita ang dalawa mula nang maugnay ang political party ni Robrero sa sinasabing nagpaplanong patalsikin sa puwesto ang chief executive.

“Bakit noon Ma’am nag-smile ka sa akin? Ngayon hindi na. Ikaw ha?” saad daw ng pangulo na sinuklian naman ng ngiti ng bise presidente nang madaanan ng camera.