-- Advertisements --

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na malaking tulong ang mga bagong graduates ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa kampanya ng gobyerno kontra terorismo, iligal na droga at korupsyon.

Sa kanyang talumpati sa graduation rites ng PNPA “SANSIKLAB” Class of 2019, sinabi ni Pangulong Duterte na kailangan ngayon ang mga epektibo at efficient public servant para tulungan ang gobyerno sa mga programa nito.

Binigyan-diin pa ni Pangulong Duterte na ang pagtatapos ng mga kadete sa akademiya ay simula pa lamang ng mas mabigat na responsibilidad.

Pinaalalahanan din nito ang nasa 201 kadeteng laging dalhin ang mga itinurong aral ng PNPA tulad ng integridad, katapatan at pagiging makabayan dahil ito umano ang gabay ng mga ito para gampanan ang pangako nito sa bayan.