-- Advertisements --

Hindi ulit dadalo sa seremonya ng paggunita ng ika-77 Araw ng Kagitingan ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa Mt. Samat, Pilar, Bataan.

Batay sa schedule na ipinadala ng Palasyo ngayong umaga lamang, sa Camp General Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu gugunitain ni Pangulong Duterte ang Araw ng Kagitingan.

Dito makakasama ni Pangulong Duterte ang mga sundalong nakikipaglaban sa mga terorista at rebelde sa Mindanao.

Noong nakaraang taon, hindi rin nakadalo si Pangulong Duterte sa paggunita sa Araw ng Kagitingan sa Bataan dahil nagkataong biyahe ito noon sa bansang China para dumalo sa business forum.