Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na mareresolba pagdating ng panahon ang maritime dispute ng Pilipinas at China.
Sa isang panayam, muling inihayag ng Pangulong Duterte na maraming buhay lamang ang mawawala sakaling sumiklab ang isang giyera sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa pinagtatalunang mga teritoryo sa West Philippine Sea.
“We might as well just be friendly, improve our trade and commerce and let time heal,” wika ni Duterte.
“Tomorrow will take care of itself, one thing we are sure of. And like any other historical claim, the world is always changing and we did not really do it at the expense of the lives of Filipinos.”
Matatandaang tagumpay ang Pilipinas sa kasong iniakyat sa Permanent Court of Arbitration sa Hague, The Netherlands noong 2016 at hindi kinikilala ng ruling ang nine-dash claim ng China sa South China Sea.
Gayunman, binalewala lamang ng China ang nasabing ruling, na isinantabi rin muna ng Pangulong Duterte upang magkaroon ng mas magandang samahan sa Asian powerhouse.