-- Advertisements --
UN headquarters UNGA

Idinulog mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations (UN) sa unang pagkakataon ang panalo ng Pilipinas laban sa China sa Arbitral ruling dahil sa patuloy na pag-angkin nito sa buong South China Sea.

Sa kanyang una ring talumpati sa United Nations General Assembly (UNGA) na isinagawa sa pamamagitan ng virtual speech habang nasa Pilipinas, binigyang diin ni Duterte na hindi papayagan ng Pilipinas ang sinumang nagtatangka na baliwalain ang July 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague.

Ayon sa Pangulo, ang naturang Award ay bahagi na ngayon ng international law at hindi na ito mababago pa at gawing kompromiso.

Kasabay nito, tinanggap ng chief executive ang pagsuporta ng maraming mga bansa na kumikilala sa panalo ng Pilipinas.

Hindi naman direktahang tinukoy ng Pangulong Duterte ang China kung saan nauna sa kanya na nagtalumpati ang kanyang kaibigan na si Chinese President Xi Jinping.

Bago pa man ang talumpati ni Duterte sa UN, ilang legal experts na ang nanawagan sa Presidente na ito na ang tamang panahon upang bigyang diin sa UN body ang Arbitral ruling.

Kung maalala sinabi na rin noon ng Presidente na darating ang tamang panahon na kanyang ipapangalandakan ang naturang makasaysayang desisyon ng Permanent Court of Arbitration kahit hindi ito kinikilala ng China.

Duterte UN UNGA

“The Award is now part of international law, beyond compromise and beyond the reach of passing governments to dilute, diminish or abandon. We firmly reject attempts to undermine it,” ani Duterte sa kanyang talumpati kaninang ala-1:00 ng madaling araw. “We welcome the increasing number of states that have come in support of the award and what it stands for — the triumph of reason over rashness, of law over disorder, of amity over ambition. This – as it should – is the majesty of the law.”

Kung ipapaalala sa 501-page ruling ng The Hague sa Netherlands, na ibinaba makalipas ang tatlong taon nang isampa ng Pilipinas sa ilalim ng Aquino administration noong January 2013, sinabi doon na walang legal basis ang China na pag-angkin sa mga lugar na nasa ilalim nang tinaguriang “nine-dash line” sa South China Sea.

“The Tribunal concluded that there was no legal basis for China to claim historic rights to resources within the sea areas falling within the ‘nine-dash line’,” saad pa ng bahagi ng Permanent Court of Arbitration ruling.

West PH Sea map South China spratlys reed bank
South China Sea map showing the claims and facilities of each country (photo from @IndoPac_Info)

Samantala ang 75th session ngayon ng UNGA ay merong tema na, “The Future we want, the United Nations we need: reaffirming our collective commitment to multilateralism – confronting COVID-19 through effective multilateral action.”

Ang mga world leaders ay inabisuhan na magpadala ng kanilang pre-recorded videos at mga talumpati para naman i-broadcast ito ng live mula sa UN headquarters sa New York.

Ang UNGA ang siyang pangunahing deliberative body ng United Nations kung saan ang lahat ng 193 na mga bansa ay may kumakatawan.