-- Advertisements --
Duterte UNGA UN

Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat magkaroon ng access ang lahat ng bansa, mayaman man o mahirap sa bakuna laban sa COVID-19.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang pagdalo sa UN General Assembly Special Session on COVID-19 pasado alas 10 kagabi kung saan dumalo rin ang ibang world leaders at nagbigay ng kani-kanilang pananaw sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Pangulong Duterte, dapat ay walang bansang maiiwan ng dahil lamang sa kahirapan o strategic unimportance, kundi ang “gross injustice” na ito ay magmumulto sa mundo sa matagal na panahon.

Ayon kay Pangulong Duterte, kapag pinayagan itong mangyari, mawawalang-saysay ang mga prinsipiyo kung saan naitatag ang United Nations (UN).

Iginiit ni Pangulong Duterte na walang magiging ligtas kung hindi lahat ng mamamayan sa mundo ay ligtas.

Kasabay nito, muling isinulong ni Pangulong Duterte ang universal access sa ligtas at epektibong bakuna laban sa COVID-19 at binigyang-diin na dapat ang mga “life-saving services and products” ay matatanggap o makukuha ng mga pinaka-vulnerable at mas nangangailangan.

UNGA UN General assembly

Nagpahayag din ng suporta si Pangulong Duterte para sa global medical and scientific initiatives na pinagtibay sa World Health Organization (WHO) kabilang na ang ACT Accelerator, COVAX Facility at C-TAP.

“If any country is excluded by reason of poverty or strategic unimportance, this gross injustice will haunt the world for a long time. It will completely discredit the values upon which the United Nations was founded,” ani Pangulong Duterte. “We cannot let this happen, no one is safe unless everyone is safe.”