-- Advertisements --
Sinang-ayunan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pagtanggal ng health secretary bilang chairman ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Ito mismo ang kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III, na siyang naghain ng panukalang batas na italaga na lamang ang Finance secretary bilang PhilHealth board’s ex-officio chair imbes na ang Health secretary.
Sinabi pa ni Sotto, agad na sinang-ayunan ng Pangulo ang kaniyang panukalang batas.
Magugunitang inihain ng Senate president ang nasabing panukala matapos ang rekomendasyon ng Senate Committee of the Whole sa pagsasampa ng kasong kriminal laban kay DOH Secretary Francisco Duque at ilang mga opisyal ng PhilHealth dahil sa ilang bilyong pondo na umano’y nawawala.