DAVAO CITY – Kahit walang mga kalaban sa kani-kanilang mga posisyon na tinatakbuhan, kagabi pa naiproklama ang tatlong miyembro ng pamilyang Duterte at mga city councilors g 1st at 2nd district ng lungsod.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), may nga election returns at election paraphernalia mula sa malalayong lugar ang dumating kahapon pa ng tanghali dahilan na hindi agad mabilang ang mga boto mula sa mga lugar ng Brgy. Lumiad at Pandaitan sa Paquibato district.
Samantala sinabi naman ni Atty. Krishna Caballero, tagapagsalita ng Comelec, na kahit 90 porsyento na ng mga boto ang nabilang kailangan pa rin nila na hintayin ang iba pang resulta sa lahat ng mga Barangay lalo na at may sinusunod silang mga polisiya sa Comelec.
Sa huling bilang ng City Board of Canvassers nanalo bilang alkalde si incumbent Mayor Sara Duterte-Carpio matapos makakuha ng botong 580,058.
Ang kapatid nitong si Sebastian “Baste” Duterte ang vice mayor na may botong 557, 769 at idineklarang 1st District congressman si Paolo “Pulong” Duterte na may 197,024 votes.