-- Advertisements --

Hindi maiwasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magalit nang pulungin niya ang mga opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kagabi sa Malacañang.

Kasunod ito nang hakbang ng Pangulong Duterte na iharap sa kanya sa pulong ang mga opisyal ng MWSS dahil sa naganap na kakulangan ng suplay ng tubig sa malaking bahagi ng Metro Manila nitong nakalipas na araw.

Tumagal umano ng hanggang 40 minuto ang meeting kung saan maring pinagsabihan ng Pangulo ang mga opisyal.

Sa loob aniya ng naturang oras tanging ang Presidente lamang ang nagsasalit at hindi na binigyan nang pagkakataon ang mga kaharap na magpaliwanag.

Muling nitong pupulungin ang mga opisyal ng MWSS bago ang darating na Abril 7 ay pinasusumite rin niya ng report.

Maglalabas din ng desisyon ang Pangulo kung merong sisibakin sa board ng naturang regulatory body o kaya pag-terminate sa kontrata ng mga concessionaires.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay inatasan ng Pangulo ang MWSS na utusan ang Manila Water at Maynilad Water Service na maglabas ng tubig mula sa Angat Dam para maibsan ang water shortage.

Naikwento naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang naging “scenario” sa komprontasyon ng Pangulo sa mga executives ng MWSS.

“The Chief Executive told them he was not going to listen to their explanation as to why there was a water shortage as such would be just plain excuses. They simply did not do their job. “All they care about is get profit from the water of the people” and to their sufferance as well. The President told them they could have simply anticipated such shortage and could have done something about it. They had to wait for him to threaten them with personally rushing to Manila from Davao to grapple with the crisis before they moved to end it. The Chief Executive bluntly told them to “shape up or ship out!”

Kasunod ito ng pinatawag ni Pangulong Duterte ng pulong sa mga opisyal ng MWSS dahil sa naganap na kakulangan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Tumagal ng hanggang 30 minuto ang meeting kung saan pinagsabihan ng pangulo ang mga opisyal na magbago.

Muling nitong pupulungin ang mga opisyal ng MWSS sa darating na Abril 10.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay inatasan ng pangulo ang MWSS na utusan ang Manila Water at Maynilad Water Service na maglabas ng tubig mula sa Angat Dam.