-- Advertisements --

Sinipertikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent ang panukalang batas na naglalayong itaas ang excise tax sa mga sigarilyo.

Ayon kina Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Secretary Adelino Sitoy and Justice Secretary Menardo Guevarra na inisyu ng pangulo ang certification para sa Senate Bill 2233.

Sinabi pa ni Guevara na siyang itinalagang caretaker ng bansa habang nasa Japan ang pangulo, na ang nasabing panukalang batas ay patungo na sa Senado.

Kapag kasi nasertipikahan na ang panukalang batas ay urgent ay maaari ng lagpasan ng kongreso ang three-day rule na ipapasa na nila ang panukalang batas sa third reading.

Isinagawa ng pangulo ang hakbang bago ang pag-adjourn ng kongreso bago ang kanilang break sa Hunyo 7.

Nakasaad sa panukalang batas ang pagtaas sa P60 kada pakete ng sigarilyo mula sa P45 na magsisimula sa susunod na taon hanggang 2023 at magtataas ng 5 percent pagsimula ng 2024.