-- Advertisements --
duterte podium speech
Pres. Duterte

Sinibak na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Manuelito Luna.

Ito ay matapos ang rekomendasyon ni Luna sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan si Vice President Leni Robredo.

Isinagawa ng pangulo ang anunsiyo sa kaniyang nationwide address nitong Biyernes ng gabi, Abril 3.

Ayon sa pangulo na walang nalalabag ang bise presidente dahil nais lamang niyang tumulong sa mga naaapektuhan ng nationwide lockdown.