-- Advertisements --

Sinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umiiral na batas para sa agarang deklarasyon ng state of calamity tuwing may paghagupit ng mga bagyo.

Sinabi nito na kaya natagalan ang pagdeklara ng state of calamity sa mga lugar na dinaanan ng bagyong Odette ay kailangan pang hintayin ang damage assesment.

Sa kaniyang pagpupulong sa mga gabinete nitong Lunes, sinabi nito na matatagalan talaga mailabas ang assement dahil abala ang halos lahat ng mga ahensiya ng gobyerno sa pagliligtas sa mga nasalanta ng bagyo.

Iminungkahit nito na dapat agaran mapalitan na ang nasabing umiiral na batas kung saan dapat ay hindi na kailanganin agad ang assessment kung makikita naman kung gaano katindi ang pinsala ng isang bagyo.

Magugunitang unang tumama noong Disyembre 16 ang bagyong Odette sa Visayas at sa Disyembre 21 lamang naideklara ng pangulo ang state of calamity.