-- Advertisements --
Isinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mambabatas sa pagbagal ng ekonomiya ng bansa sa first quarter ngayong taon.
Ito ay dahil sa pagkakaroon ng alitan ng mga senador at kamara sa pagkaantala ng pagpasa ng 2019 national budget.
Isinagawa ng pangulo ang pahayag sa miting de-avansi ng mga lokal na kandidato sa lungsod ng Davao kagabi.
Nauna rito nagtala ang bansa ng pinakabagal na pagtaas sa loob ng apat na taon.
Mayroong 5.6 percent ang paglago ng gross domestic product na mas mababa noong nakaraang taon sa unang quarter na mayroong 6.3 percent.