-- Advertisements --

Nanawagan ang ilang kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte na itaas na ang sahod ng mga guro.

Apela ito nina ACT Teachers Party-list Reps. Antonio Tinio at France Castro sa pagbubukas ng klase ngayong academic year.

Dapat anila gawing prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang salary increase ng mga guro.

Ayon kay Castro, nahaharap ang mga guro sa dati nang mga problema katulad na lamang ng shortage sa mga silid aralan, pasilidad at learning materials.

“It is only just that the state compensate the dedication of public school teachers with decent salaries that they have long been calling for,” ani Castro.

Iginiit naman ni Tinio na makailang ulit nang ipinangako ni Pangulong Duterte na tataasan niya ang sahod ng mga guro sa pampublikog paaralan matapos taasan ang sahod ng mga uniformed personnel.

Kaya panahon na aniya na tuparin na rin nito ang kanyang pangako naman sa mga guro para matulungan din ang mga ito sa patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.