-- Advertisements --
Taal Volcano phreatic eruption
taal Volcano

Sinuspendi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pasok sa eskuwela at opisina ng gobyerno sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng bulkang Taal ngayong Enero 13, 2020.

Sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, suspendido na ang pasok all levels sa mga paaralan at sa gobyerno sa mga lugar ng Calabarzon, National Capital Region at Region 3.

Hindi aniya kabilang dito ang mga nakatalaga sa frontline response agencies kabilang na ang mga sangkot sa disaster respose, mga nagbibigay ng basic health service at ilang mga mahahalagang serbisyo.

Hinikayat din nito ang mga pribadong kumpanya na magsuspendi na rin ng pasok sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng bulkan para na rin sa kaligtasan ng kanilang empleyado.