-- Advertisements --

Ginisa ng mga miyembro ng dalawang komite ng House of Representatives ang tagapagsalita ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Harry Roque hinggil sa umano’y kuneksiyon nito iligal na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Ang dating tagapagsalita ng dating Pangulong Duterte ay isa sa resource persons sa pagdinig ng Committee on Public Order and Safety sa pangunguna ni Laguna Rep. Dan Fernandez at Committee on Games and Amusement sa pangunguna ni Cavite Rep. Antonio Ferrer.

Sinabihan ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel si Roque na nadadawit ang kaniyang pangalan sa dalawang kaso ng suspected POGO operators.

Isa dito ang ni raid na bahay ng PAOCTF sa Benguet kung saan dalawang Chinese ang naaresto dahil sa pagkakasangkot sa illegal gambling at ang pagkaka diskubre sa isang POGO hub sa Porac, Pampanga.

Tinanong si Roque kung siya ay sangkot o involved sa illega activities ng POGO.

Mariin naman itong itinanggi ni Roque, aniya walang basehan ang mga ipinupukol na alegasyon laban sa kaniya.

Paliwanag ni Roque na kaniya ang bahay sa Benguet subalit hindi niya ito kilala dahil umuupa lamang ang mga ito.

Sa panig naman ni PAOCTF chief Undersecretary Gilbert Cruz na maaari nilang isama ang pangalan ng dating tagapagsalita ng Palasyo bilang “person of interes” habang ang ibang ahensiya ay kinakailangang magsumite ng mga supporting documents.

Kinuwestiyon din ang mga phones calls at meeting ni Roque nuong nakaraang taon sa mga opisyal ng PAGCOR sa pagbibigay ng gaming license sa Porac POGO hub na pagmamay-ari ng isang Ong.

Hiniling din ng komite ang tulong ng League of Cities of the Philippines at League of Municipalities of the Philippines sa pag padlock sa 402 illegal POGO establishments.