-- Advertisements --
Panelo
Salvador Panelo

Iginiit ng Malacañang na ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na ispekulasyon ang basehan ng kanyang pahayag sa isyu ng nangyaring banggaan sa pagitan ng Chinese vessel at bangka ng mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nais ni Pangulong Duterte na batay sa facts sa gitna ng magkakaubang mga bersyon ng magkabilang panig.

Ayon kay Sec. Panelo, hangga’t hindi pa nalalaman ang buong katotohanan ay maituturing na premature ang lahat ng naglalabasang opinyon.

Nitong Lunes ng hapon nagpulong ang ilang kaukulang miyembro ng gabinete sa Malacañang para talakayin ang isyu ng Recto Bank incident partikular kaunay sa implikasyon nito sa ekonomiya at seguridad.