-- Advertisements --
Ipapasakamay na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) ang pamimigay ng mga relief goods at cash assistance sa mga naapektuhan ng ipinapatupad na enhanced community quarantine.
Sa kaniyang talumpati nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ng pangulo na ayaw niyang hawakan pa ng mga pulitiko ang pamimigay ng mga relief goods at cash assistance.
Ang mga cash assistance aniya ay maaring idagdag ng DSWD sa mga natatanggap ng mga benepesaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipinong Program o 4ps ng gobyerno.
Hindi rin ikinaila ng pangulo na may mga pulitiko ang nananamantala ng kasalukuyang sitwasyon kung saan binabawasan ang mga tulong na para sa mga mahihirap.