-- Advertisements --
Duterte gestures
Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatapusin niya ang problema ng insurhensiya sa bansa.

Sa kaniyang talumpati sa 31st Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) anniversary celebration sa Quezon City, sinabi ng Pangulo na dapat huwag ng hayaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na manahin pa ng mga susunod na henerasyon ang problema ng insurgency.

Dagdag pa nito, isasabay ang paglaban sa droga sa kampanya naman kontra sa insurgency.

Magugunitang inamin ng Pangulo na isinusulong ng New People’s Army (NPA) ang pagbabalik ng peace talks sa gobyerno na nauna ng naantala dahil sa mga aberya na lumutang.