Personal na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Zamboanga City kung saan doon inihatid ang mga nasawi at sugatang sundalo dahil sa pagbagsak ng kanilang C-130 transport plane nitong nakalipas na Linggo.
Nangako rin ang pangulo sa mga kaanak ng mga nasawing sundalo para sa ibibigay na mga tulong.
Bilang aniya commander-in-chief, masakit sa kaniya ang malagasan ng maraming sundalo.
Tiniyak nito na hanggang sa kaniyang pagtatapos ng termino ay dadagdagan niya ang mga benepisyo na ibibigay sa mga pamilya ng mga nasawing sundalo.
Iginawad din ng pangulo ang Order of Lapu-Lapu Rank of Kampilan sa mga sugatan at ang Order of Lapu-Lapu with Rank of Kalasag sa mga napatay na mga sundalo.
Magugunitang kabilang ang tatlong sibilyan sa nadamay sa pagbagsak ng eroplano kung saan ang mga ito ay nagtatrabaho sa quarry malapit sa paliparan ng Patikul, Sulu.