-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy ang pagbibigay niya ng tulong sa mga kasundaluhan sa bansa.

Sa kaniyang talumpati sa Jolo sa pagdiriwang ng 77th Araw ng Kagitingan, na nakita niya ang pagiging tapat at magandang trabaho ng mga kasundaluhan kaya nararapat na sila ay bigyan ng mga benepisyo.

Pres. Duterte/ file photo

Ilan sa mga benepisyo na binanggit ng Pangulo ay ang pagbibigay ng P50 milyon kada buwan sa military hospitals partikular na ang V. Luna General Hospital na tumatanggap na ng P50 milyon kada buwan habang ang Philippine General Hospital na may P100 million kada buwan mula sa dating P64 million.

Inihalimbawa rin ng commander-in-chief ang pagbibigay ng P500 million bilang medical assistance sa mga sundalong nasugatan sa giyera sa Marawi City.

Nilinaw pa nito na hindi niya iniimpluwensiyahan ang mga sundalo sa pagbuhos ng mga benepisyo para sa kanila dahil nagiging totoo lamang base sa kaniyang obserbasyon.