Siniguro ng Malacañang na magtutungo sa Batanes si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa naganap na magkasunod na mga lindol sa nasabing lalawigan.
Kasabay nito ay sinabi ng kalihim na kaagad na ipinag-utos ng Pangulong Duterte ang mabilis na pagpapadala ng tulong sa mga nabiktima ng pagyanig.
Dagdag pa ni Medialdea, nasa Batanes na ang C295 plane ng Philippine Air Force na may bitbit na medical and rescue teams.
“Our PAF [Philippine Air Force] C295 already took off for Batanes at 9:18 a.m. bringing medical and rescue teams. We are planning for next sortie in coordination with Region 2 OCD (Office of Civil Defense),” saad ni Medialdea.
Pinaplano na rin daw nila ang susunod na sortie sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Office of Civil Defense ng Region 2.
Ayon pa sa kalihim, susunduin din ng transport plane si Governor Marilou Cayco sa Basco upang bisitahin ang bayan ng Itbayat, na napuruhan sa naturang mga pagyanig.
“Various agencies already acted right after the earthquake,” Medialdea said.