-- Advertisements --
Tumulak na patungong South Korea si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations – Republic of Korea (ASEAN-ROK) Commemorative Summit na magsisimula sa Nobyembre 25 hanggang 26.
Nakatakda rin makipagpulong ang pangulo kay South Korean President Moon Jae-in sa Lunes ng hapon para talakayin ang ilang usapin gaya ng edukasyon, kalakalan at iba pa.
Makakasama ng dalawang lider ang ilang ASEAN leaders sa dalawang plenary sessions sa Nobyembre 26 at dito pag-uusapan ang relasyon ng bawat ASEAN countries at South Korea.
Ngayong taon kasi ang pang-70th anibersaryo ng diplomatic ties ng Pilipinas at South Korea.
Ilan sa nakatakdang pag-usapan sa nasabing pagpupulong ay ang denuclearization ng North Korea.