-- Advertisements --

Hindi na magdiriwang ngayong Holiday Season si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi nito na ilalaan na lamang nito ang oras sa pagbibigay tulong sa mga biktima ng bagyong Odette.

Sa loob lamang aniya ng tatlong araw ay maipapamahagi na ng gobyerno ang cash assistants.

Sa ginawang pagbisita ng pangulo sa Puerto Princesa, Palawan, tiniyak nito na bago ang Pasko ay makukuha ng ng mga Local Government Unit ang naipangako nitong tulong pinansiyal.

Humingi na rin ito ng paumanhin kung hindi agad na makarating ang nasabing tulong.