Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte dapat sa loob ng 24 oras, simula kaninang umaga hanggang bukas ng umaga sarado na ang lahat ng mga lotto, Small Town Lottery (STL), Keno at Peryahan ng Bayan outlets.
“I will give them 24 hours to remove them from the public places. Tomorrow — beginning tomorrow, at sunrise everything, all transactions and gaming, waging — wager of bets becomes illegal. And I am, I said, ordering the PNP — the PNP Chief Albayalde to arrest anybody. And goes also for the military, si Madrigal, to arrest people engaged in gambling activities in connection with the franchises, licenses, concessions granted by the PCSO,” ani Pangulong Duterte.
Sa kanyang special message kagabi, sinabi ni Pangulong Duterte na kanselado na lahat ng prangkisa, lisensya o anumang ipinagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kaya maituturing ng iligal ang anumang pangongolekta ng taya para sa alinmang nabanggit na sugal.
Ayon kay Pangulong Duterte, maliban sa PNP, inaatasan din nito ang militar na tumulong sa pisikal na pagpapasara o pagtanggal ng mga tayaan sa buong bansa.
Pinapaaresto rin ni Pangulong Duterte ang maaaktuhang magpapataya para sa lotto, STL, Peryahan ng Bayan o Keno.
“So I repeat I’m ordering the military and the police to stop all gaming. Lotto, STL, Peryahan ng Bayan pati those machines that can be found everywhere which is actually gambling. If I — if I were… If I were to give my sentiment about gambling, mas gusto ko mawala ito lahat.”