-- Advertisements --

Umapela sa Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag galawin ang hindi pa nagagamit na pondo ng Bayanihan 2.

Ito ay sa kadahalinang maaaari pa raw kasi itong magamit sa oras na muling magkaroon ng isa pang COVID-19 surge sa Pilipinas.

Una rito ay naghain na ng resolusyon sina Bayan Muna party-list Representatives Eufemia Cullamat, Carlos Zarate, at Ferdinand Gaite hinggil sa P4.99 billion na hindi pa nagagamit na pondo sa ilalim ng Bayanihan Act 2.

Ayon sa pangulo, ibinalik na ang naturang pondong hindi nagamit sa Bureau of the Treasury at umaasa siyang hindi ito gagalawin ng Kongreso dahil ito aniya ay bilang paghahanda para sa isa pang surge ng bagong variant ng COVID-19.

Sa ilalim kasi ng mga batas ng Bayanihan ay hindi dapat na gamitin para sa anumang layunin ang nasabing pondo maliban na lamang kung ito ay hinggil sa pagtugon sa COVID-19.

Hindi kasi aniya malabong makapasok sa bansa ang sinasabing bagong variant ng nasabing virus ngayon na BA.2 Omicron sub-variant at hindi pa rin malaman sa ngayon kung kailan ito magtatapos kung kaya’t dapat na maging handa tayo.