Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nakaantabay din sa magiging resulta ng imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa banggaan ng dalawang bagon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) nitong Sabado ng gabi.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nais ni Pangulong Duterte na maparusahan ang sinumang may pananagutan sa insidente na nag-iwan ng 34 na kataong sugatan.
“Of course, the President is concerned. That’s why he’s waiting for the result of the investigation. The whys and the wherefores of the accident,†ani Panelo.
Nabatid na nangunguna ang Department of Transportation (DOTr) sa imbestigasyon sa salpukan ng dalawang coaches ng LRT-2 sa pagitan ng Cubao at Anonas stations sa Quezon City.
Una rito, tiniyak ni Light Rail Transit Authority (LRTA) administrator Reynaldo Berroya na bubuo sila ng fact-finding commitee upang alamin kung bakit gumalaw ang dead train sa pocket track.
“We apologize for this unfortunate incident and [the people could] rest assured that LRTA will seriously look into it,†ani Berroya.
Batay sa inisyal na impormasyon, bumangga umano ang isang tren sa nakahintong tren.