-- Advertisements --

Patuloy na inaayos ni Vice President Sara Duterte ang legal team para sa kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ginawang pagdalaw ng bise presidente sa ama, na tinalakay nila ang bubuo ng nasabing legal team.

Pag-aaralan nilang mabuti kung isasama sa legal team si dating spokesperson Harry Roque.

Handa rin nitong sagutin ang lahat sakaling pumalpak ang legal defense.

May ilang mga pangalan na rin silang ikinokonsidera subalit kanila pa itong isinasapinal.