Wala munang napipili si Pangulong Rodrigo Duterte na susuportahan sa pagkapangulo ng bansa sa darating na May 9, 2022 elections.
Sa kaniyang “Talk to the People,” sinabi nito na halos lahat ng mga kandidato para sa pagkapangulo ay humihingi umano sa kaniya ng suporta.
Naniniwala ito na ang kaniyang pag-indorso ay nakakatulong sa isang kandidato subalit sa ngayon ay wala pa itong napupusuang sinusuportahan.
Dagdag pa niot, mababago lamang ang kaniyang pasya maliban lamang kung mayroong rason na magdesisyon sa pagsuporta sa kandidato.
Sa ngayon aniya ay wala muna itong nakatakdang iindorso sa pagkapangulo.
Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay nagbanta ang pangulo na kaniyang ibubunyag ang kandidato na may bahid ng kurapsyon at hindi nararapat na maging pangulo ng bansa.