-- Advertisements --
Wala pang napiling abogadong Pilipino ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Vice President Sara Duterte, nasa proseso pa sila ng pagkumpleto ng kanilang legal team.
Dagdag pa nito na base sa shortlist ay wala pang mga nakalista na abogadong Pinoy.
Hinihintay lamang niya ang pagtalaga at pagkilala ng International Criminal Court sa mga abogado na kanilang ipipresenta bago ito umuwi sa Pilipinas.
Mula kasi ng maaresto ang ama nito noong Marso 11 ay nandoon na rin sa the Hague ang Bise Presidente.