-- Advertisements --
Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang balak lilimitahan ang kanyang public engagements sa kabila ng banta ng Wuhan corona virus.
Sinabi ni Pangulong Duterte na naniniwala siyang may takdang panahon sa mundo ang bawat tao.
Ayon kay Pangulong Duterte, wala rin siyang balak umiwas makipagkamay sa mga lalapit at mangungumusta sa kanya sa publiko.
Inihayag pa ni Pangulong Duterte na kung talagang oras na niya ay oras na niya, kahit ano pa man ang sirkumstansiya nito.
Malalaman naman daw ng publiko na patay na siya kapag inilabas na siya sa Malacañang sakay ng funeral car.