-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi umano magkakaroon ng tigil-putukan ang gobyerno sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa darating na pagdiriwang ng Kapaskuhan at pagsalubong ng Bagong Taon sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr na kapwa nagpadala ng rekomendasyon ang tanggapan ni Interior Sec. Eduardo Año at Defense Sec. Delfin Lorenzana na ituloy ang military offensive na sinang-ayunan naman ni Duterte.

Inihayag ni Esperon na bagama’t magpapatuloy ang paghahabol ng militar sa mga rebelde, dadalhin rin ng gobyerno ang basic services sa mga lugar na pinamumugaran ng mga ito.

Magugunitang maliban sa military focus operation, umiiral din ang Executive Order No. 70 o “whole of the nation” approach ng gobyerno upang maayos ang isyu sa insurhensya.