-- Advertisements --
Duterte voting

CEBU CITY – Naniniwala ang isang political analyst na walang kinalaman ang administrasyon sa pagdomina ng mga kaalyado at inindorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-senador sa katatapos na halalan.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni University of the Philippines Political Science professor Dr. Clarita Carlos na sinasalamin pa rin ng eleksyon ang pagiging malaya ng mga Pilipino na pumili ng mga opisyal bilang isang demokratikong republika.

Ani Carlos, kailangang tanggapin ng publiko ang resulta ng eleksyon.

Ito ay kasunod ng ilang pagkwestyon mula sa mga tagasuporta ng oposisyon at kontra administrasyon.

Para sa political analyst, walang karapatan na magreklamo ang mga tamad na Pilipino kung ang mga ito mismo ay walang inaambag para umunlad ang bansa.