-- Advertisements --
duterte avancena kitty

Nagsagawa nang bilateral meeting sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa Beijing, China.

Si Pangulong Duterte ay nasa China para dumalo sa ikalawang Belt and Road Initiative forum na inorganisa ng China at dadaluhan ng 40 imbitadong world leaders.

Bandang alas-11:15 ng umaga kanina nang nagkaharap sina Duterte at Xi.

Una nang sinabi ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana, sa nasabing meeting, karaniwang general review ang ginagawa ng dalawang lider sa estado ng bilateral relations ng Pilipinas at China.

Ayon kay Sta. Romana, kasama rin sa agenda ang palitan ng pananaw kaugnay sa mga regional at international issues.

Hindi rin daw mawawala ang sitwasyon sa South China Sea at concerns ng Pilipinas sa West Philippine Sea dahil major issue ito ss bilateral relations ng Pilipinas at China.

Sunod na makakaharap ni Pangulong Duterte mamayang alas-5:50 ng hapon si Chinese Premier Li Keqiang.

Bukas pa pormal na magsisimula ang Belt and Road forum na dadaluhan ni Pangulong Duterte.

duterte in china

“But usually, when the two leaders meet, they do a general review of the bilateral — the state of bilateral relations. They exchanged views on regional and international issues. And of course, South China Sea is a major concern in terms of our bilateral relationship, as well as in the — in terms of the region,” ani Sta. Romana.

Samantala una nang ipinagmalaki ng Department of Trade and Industry (DTI) na makakapag-uuwi ng panibagong $10 billion na bagong investments at trade deals si Pangulong Duterte sa apat na araw na pagbisita nito sa China.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, mayroong kabuuang 190 na mga business leaders mula sa iba’t ibang mga bansa ang makikibahagi bilang private sector sa ikalawang Belt and Road Forum (BRF).

Ang nasabing panibagong investments at trade deals ay makagagawa umano ng mahigit na 20,000 na bagong trabaho sa bansa.