CAGAYAN DE ORO CITY-Pagtatanggal puwersa ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang pangunahing layunin ng puspusan na pamimigay ni Pangulong
Rodrigo Duterte ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) sa libu-libong mga benepesaryo sa mga lupain dito sa bansa.
Ito ang pagpapaliwanag ni Duterte kung bakit pini-presyur nito ang Department of Agrarian Reform (DAR) na mailagay na ang mga pangalan ng CLOA beneficiaries na matagal nang pinagkaitan ng gobyerno.
Sinabi ni Duterte na ito ang dahilan na naglilibot ito sa panig ng bansa upang pangunahan ang pamimigay ng lupa sa mga magsasaka kaysa mahatak pa ng mga komunista para makipaglaban sa pamahalaan.
Banggit ng pangulo na mahigit 700,000 ektaryang lupain na ang naipamahagi ng gobyerno para sa mga magsasaka sa mga kanayunan.
Palinawanag ni Duterte na dapat mismo ang pamahalaan ang mamimigay ng kanyang lupain kaysa mga komunista na hindi naman naghahangad para sa ikabubuti ng bansa.
Magugunitang nais ni Duterte na magmukhang mga inutil o walang silbi ang CPP-NPA-NDF kaya inatasan nito ang DAR na madaliin ang CLOA distributions sa mga benepesaryo sa buong bansa.
Ginawa ang presidente ang pahayag matapos nag-administer ng oath taking sa 2019 midterm elections winning candidates sa Convention Hall ng Xavier Sports and Country Club ng Cagayan de Oro City bago tumungo sa General Santos City.