-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ilalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panibagong kautusan o executive order na naglalayong magli-limita sa mga pagpapatupad ng lockdowns sa mga lugar na apektado ng African swine fever ( ASF).

Ito ay upang hindi umano tuluyang babagsak ang swine industry na nagtala ng milyun-milyong pagkalugi simula nang tumama ang ASF mula Luzon hanggang nakarating sa ilang bahagi ng Mindanao.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Department of Agriculture (DA) regional director Carlene Collado na nangangahulugan ito na maaring makapasok ang swine related products papunta sa ibang mga rehiyon na hindi apektado ng ASF.

Inihayag ni Collado na ang iniwasan rin ng gobyerno na mapigilan ang mga pagpapasok ng hog products dahil sa tindi ng lockdown sa isang syudad at lalawigan.

Dagdag ng opisyal na bagamat nanatiling negatibo pa ang Northern Mindanao laban ASF subalit mas lalong mapaigting ang kampanya para rito dahil sa national task force na ipinapabuo ni Duterte upang magkaisang labanan ang sakuna na pumatay sa mga baboy.

Magugunitang ang Northern Mindanao ay nagsilbing 3rd exporting hog products producing region sa buong bansa kaya kaliwa’t kanan ang lockdowns na ipinatupad sa Bukidnon, Misamis Oriental at Cagayan de Oro City.