BUTUAN CITY – Iimbestigahan ng Bureau of Jail, Management and Penology (BJMP) Caraga ang mga on-duty jail guards nang magtangkang tumakas ang mga preso ng Lianga District Jail sa lalawigan ng Surigao del Sur nitong Linggo umaga kahit na hindi tuluyang nakalabas ng jail premises ang mga priso.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Jail Supt. Bernie Ruiz, assistant regional director for Operations sa BJMP-Caraga, ito’y upang malaman kung may pananagutan sila sa jail break na kumitil sa buhay ng apat na mga priso.
Salaysay ng opisyal, 2 grupo umano ng mga priso ang nangtangkang tumakas kungsaan ang unang grupo ay yaong tumakas mula sa selda habang isini-serve sana ang kanilang agahan habang ang isang grupo naman ay yaong umatake sa 2 bantay sa main gate na syang binaril ng iba pang jail guards na nasa tower sanhi ng kanilang pagkamatay.
Mahaharap din sa karagdagang mga kaso ang mga nahuling iba pang mga priso