-- Advertisements --
Dwayne Johson
Dwayne Johnson/ IG Post

Nanguna si Dwayne Johnson sa listahan ng Forbes bilang highest paid actors.

Base sa inilabas na listahan mayroong kabuuang kita ang dating wrestler na umaabot sa $89.4 million mula June 2018 hanggang June 2019.

Kabilang na dito ang kita niya sa paggawa ng pelikula at mga iniindorso niyang mga damit.

Nasa pangalawang puwesto naman sina Chris Hemsworth na mayroong $76.4 million na kita habang pangatlo si Iron Man actor Robert Downey Jr na mayroong kita na $66 million.

Pasok din sa top 10 sina Bollywood actor Akshay Kumar at Hong Kong actor Jackie Chan.