-- Advertisements --

Ipinangako ni Hollywood actor Dwayne “The Rock” Johnson na hindi na ito gagamit ng tunay na baril sa kaniyang pelikula.

Ito ay matapos ang nangyari sa kaibigan nitong actor na si Alec Baldwin na aksidenteng nabaril at napatay ang cinematographer sa set ng pelikula sa New Mexico noong nakaraang buwan.

Sinabi nito na ang kaniyang production company na Seven Bucks Productions ay hindi na gagamit pa ng mga totoong baril.

Dagdag pa nito na matagal na niyang kilala si Baldwin at lubhang nakakalungkot ang aksidenteng kinaharap nito.

Magugunitang aksidenteng napatay ni Baldwin si Halyna Hutchins noong Oktubre 21 gamit ang baril na inaakalang walang bala habang ginagawa ang pelikulang “Rust”.