Inanunsyo ni Dwight Howard na maglalaro pa rin ito sa Los Angeles Lakers sa muling pagpapatuloy ng NBA season sa Disney World sa Orlando, Florida ngayong buwan.
Ito’y ilang araw matapos ihayag ng koponan na hindi pa nila alam kung available para maglaro si Howard, dahil sa iba’t ibang mga isyu.
Ayon kay Howard, nakatakda rin niyang i-donate ang kanyang sahod, na tinatayang nasa $700,000, para sa kanyang non-profit campaign na “Breathe Again.”
“I feel like we have a great opportunity, the Lakers do, to win the title this year,” wika ni Howard. “I have a contractual obligation to my teammates, to my fans, the Lakers, the organization and everyone. But at the same time, I also have an obligation to my family and my community. Yes, I will be joining my team in Orlando, but during that time, we will begin a lot of work here in Atlanta and around the nation as far as making sure people don’t forget about us and what’s going on in our communities.”
“I’m going to use my salary,” dagdag ni Howard. “All the money, the paychecks I’ll be getting down in the bubble, to help push this ‘Breathe Again’ movement and just make sure people don’t forget about what’s going on in our society.”
Kamakailan din nang kunin ng Lakers ang serbisyo ng free agent na si JR Smith, na sinasabing hakbang ng koponan para mapalakas pa ang kanilang tsansa na madagit ang kamepeonato.