-- Advertisements --
Itinalaga bilang team captain ang Japan Basketball League Filipino import na si Dwight Ramos para sa gaganaping 2024 All-Star Weekend, bukas.
Pangungunahan ni Ramos ang koponan na Asia All-Stars laban sa Japanese Rising Stars.
Makakasama ni Ramos sa naturang koponan ang ilang Gilas Pilipinas team mates, na kapwa import sa naturang liga.
Ilan dito sina Thirdy Ravena, Kiefer Ravena, Kai Sotto, Carl Tamayo, Matthew Wright, Ray Parks Jr., RJ Abarrientos, Greg Slaughter, at Roosevelt Adams.
Binubuo ng Filipino imports ang kalahati ng Asia All-Stars team, na sasamahan ng pito pang Asian basketball players.
Kung babalikan, hindi nakasali si Ramos sa All-Star noong nakaraang taon dahil sa ankle injury.