-- Advertisements --

Inaayos na ni Dwight Ramos ang ilang mga dokumento gaya ng health clearance para ito ay tuluyan ng makasama sa praktis ng Gilas Pilipinas sa Inspire Sports Academy sa Laguna.

Sinabi ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) special assistant to the president Ryan Gregoria, na may mga ilang dokumento pa na inaayos ang 6-foot-5 Filipino American player para ito ay tuluyan ng mapabilang sa ensayo.

Naghahanda na kasi ang Gilas Pilipinas para sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifer at FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Unang nakasama na si Ramos sa first window ng FIBA noong Enero 2020 kung saan kasama nito sina Kobe Paras, Dave Ildefonso at ang magkapatid na sina Juan at Javi Gomez de Liano.

May average ito na 12.7 points, 5.8 rebounds at 2.3 assists.