-- Advertisements --

Pabalik na sa bansa si Filipino basketball player Dwight Ramos para maging bahagi ng Gilas Pilipinas sa pagsabak nila sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na makakasama nila ang 23-anyos na si Ramos sa pagharap nila laban sa New Zealand, South Korea at India.

Dahil dito ay hindi na makakasama si Ramos sa dalawang laro ng Toyama sa Japan Basketball league ngayong buwan.

Naging bahagi na si Ramo noong 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers kung saan nakuha ng Gilas ang 6-0 sweep sa torneo.

Sa anim na laro ay mayroong average ang 6-foot-4 na basketbolista ng 13.8 points, 6.2 rebounds at 2.2 assists.